FAQs

Frequently

Asked

Questions

Sa CVM Pawnshop, priority naming ang convenience niyo. Para sa mabilis at masarap na transaksyon, ito ang ilan sa mga karaniwang katanungan ng aming mga mahal na customers.

 

Convenience is at the heart of what we do. Please browse the information below for the most common questions and concerns we receive from our customers about our services.

Masarap na Araw, mahal naming Customers!

 

Dito po sa CVM Pawnshop and Money Changer, bida talaga ang nagtitiwala sa amin magpapa-palit pera.  May 21 na ibat-ibang foreign currencies na pwede dito!

 

Bukod sa mga kadalasan pinapapalit o bilhin tulad ng:

 

US Dollar (USD)
Japan Yen (JPY)
Euro (EUR) 
Great Britain Pounds (GBP)

 

Tumatanggap at nagbebenta din kami sa aming mga branches ng:

  • Arab Emirates Dirham (AED)
  • Australian Dollar (AUD)
  • Bahrain Dinar (BHD)
  • Brunei Dollar (BND)
  • Canadian Dollar (CAD)
  • China Yuan Renminbi (CNY)
  • Hongkong Dollar (HKD)
  • Korean Won (KRW)
  • Kuwait Dinar (KWD)
  • Malaysian Ringgit (MYR)
  • New Zealand Dollar (NZD)
  • Qatar Riyal (QAR)
  • Saudi Arab Riyal (SAR)
  • Singapore Dollar (SGD)
  • Swiss Franc (CHF)
  • Taiwan Dollar (TWD)
  • Thailand Baht (THB)

Thank you.

Masarap na Araw, ka-Bida!

 

Kung nais mong maging parte ng CVM Pawnshop and Money Changer Team, i-submit lang ang iyong updated resume sa: hrdcvm@yahoo.com.

 

Kung nakapag-submit na, maaari ka namang mag-follow-up through text or cal sal: (02) 650-6197 or 0998-5905603.

 

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming Customers!

 

Ang Tubo at Tubos po ay mula Monday to Saturday sa lahat ng aming branches.

 

Kung matapat ng Sunday ang inyong maturity date, huwag po kayong magalala dahil hindi po ito magkakaroon ng penalty or charges pagbisita ninyo sa aming branches kinabukasan (Monday).

 

Thank you.

Masarap na araw, mahal naming Customers!

 

Ang inyo pong Gadget Leader na CVM Pawnshop and Money Changer ay tumatanggap ng pinaka maraming brand at model ng iba’t ibang klase ng cellphone at gadgets. Bukod iyan sa alahas na  tinatanggap din namin sa mataas na halaga.

 

Bumisita lang po sa alin man sa aming mahigit na 100 branches para sa inyong mga:

  • CELLPHONE
  • LAPTOP
  • TABLET
  • DSLR
  • GO-PRO
  • SMART WATCH
  • HARD-DRIVE
  • PSVITA
  • NINTENDO 3DS
  • MACBOOK
  • JEWELRY

 

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming Customers!

 

Ang CVM Pawnshop ay laging handang maging Solution Provider with High Energy para sa inyo. Mayroon po kaming swak na produkto at serbisyo sa inyo tulad ng: 

  • SANGLAAN (CELLPHONE, GADGET at JEWELRY)
  • MONEY CHANGER
  • REMITTANCE
  • BILLS PAYMENT
  • PRE-PAID LOAD
  • MICRO-INSURANCE
  • MICRO-SAVINGS

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming Customers!

 

Madali at simple lang po ang proseso ng pag-sasangla sa CVM:

  1. Dalhin ang inyong item sa pinaka-malapit na CVM branch.

         Kung cellphone o gadgets, siguraduhin lang po na at least 80% battery  charged ito. Mga ka-Bida, huwag din po nating kalimutan magdala ng ID ha.

 

      2. Ipa-appraise sa ating Masarap Kausap Branch Operations Specialist ang inyong item at sagutan ang ating forms.

 

      3. Tanggapin at bilangin ang inyong Cash. 

 

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming Customers!

 

Kung sakaling lumampas ang sanglang cellphone o gadget sa loob ng 30 days agreement, huwag magalala, mayroon ka pang grace period na 10 days para matubuan o matubos ang iyong item. Bawat araw sa grace period ay may additional charge na 1% lamang. 

 

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming Customers!

 

Kung mawala sa hindi inaasahang pagkakataon ang inyong Pawnticket, huwag magalala, narito kami para tumulong sa iyo:

  1. Pumunta lang agad sa CVM Pawnshop and Money Changer Branch kung saan nag-sangla.
  2. Mag-submit ng mga sumusunod na requirements tulad ng: Affidavit of Loss at Two (2) Valid IDs.

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming Customers!

 

Kung sakaling pong hindi available ang Pawner para magtubo o magtubos ng sangla, narito ang simpleng hakbang na kailagan gawin:

  1. Gumawa ng hand written Authorization Letter (ang Pawner) para sa Authorized Representative.
  2. Malinaw na ilagay ang pangalan ng ino-Authorize para magtubo o magtubos.
  3. Ang Authorization Letter ay kailangang may pirma ng Pawner.
  4. Magpadala ng Photocopy ng isang (1) Valid ID ng Pawner;
  5. Magdala ng Photocopy ng isang (1) Valid ID ng iyong Authorized Representative.

Thank you.